Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

Breaking News

Ivana Alawi, Inilibot Ang Netizens Sa Kaniyang Bagong Bahay Kasabay Ng Paglilinis Nito

Hindi matatawaran ang kasikatan ng aktres at modelo na si Ivana Alawi. Isa nga siya sa mga social media influencers na talaga namang tumatak na ang pangalan sa isipan ng mga netizens at hanggang ngayon ay patuloy na sinusubaybayan ang kaniyang buhay sa harap at likod ng camera.

Source: Ivana Alawi YouTube

Samantala, marami naman ang humahanga sa aktres dahil sa kaniyang busilak na puso at hangarin na makatulong sa kapwa. Madalas niyang inuuna ang kapakanan ng iba lalong-lalo na ng kaniyang mga mahal sa buhay. Sa katunayan, natulungan na niya ang kaniyang mama at kapatid na magkaroon ng sariling bahay.

Source: Ivana Alawi YouTube

Samantala, ngayon na ang panahon para siya naman ang magkaroon ng sariling tirahan at ito nga ay muli niyang ipinasilip sa mga netizens. Ayon kay Ivana, under renovation yung isa nilang bahay kaya dito na muna sila nakatira ngayon at kahit na sabihin niyang kaniya ang bahay na ito ay mayroon pa ring sariling kwarto ang kaniyang mama at mga kapatid na sina Mona, Hash at Amira.

Source: Ivana Alawi YouTube

“Parang may kaniya-kaniya na kaming house pero lahat kami may rooms parin dito. So hindi sila makakawala sa akin.”, kwento ng aktres.

Source: Ivana Alawi YouTube

Napakalawak ng nasabing bahay at kapansin-pansin ang magagarang kagamitan sa loob nito. Hindi rin pinalagpas ng aktres na ipakita ang paborito niyang 10-seater dining table na gawa sa makapal na kahoy. Dahil nga sa sobrang bigat nito ay kinailangan pang magtulungan ng 12 na tao para mabuhat ito papasok ng bahay.

Source: Ivana Alawi YouTube

Naglibot sila ni Mona sa loob ng bahay habang naglilinis at makikita na mayroon din silang indoor swimming at sariling make-up room kung saan nag-aayos si Ivana kasama ang kaniyang glam team kapag mayroong silang mga shooting. Napakalawak din ng kanilang shower area at pati ito ay nilinisan din ng aktres.

Source: Ivana Alawi YouTube

Masasabi nga nating successful na ngayon si Ivana at sa wakas ay naisakatuparan na niya ang pangarap na magkaroon ng bahay hindi lang para sa sarili kundi para din sa buo niyang pamilya.


No comments