Bigatin Pala Sa Totoong Buhay Ang Dating Kontrabida Na Si King Gutierrez a.k.a ‘Ben Delubyo’
Kung pagiging kontrabida ang pag-uusapan tiyak na hindi magpapahuli diyan ang batikang aktor na si King Gutierrez o mas kilala sa kaniyang alyas bilang si ‘Ben Deluby0’.
Una siyang pumasok sa mundo ng showbiz noong 80’s at magmula noon ay sunod-sunod na ang mga pelikula na kaniyang ginawa kasama ang iba pang mga aksyon star sa ating bansa.
Sa loob ng ilang dekada ay kontrabida role na talaga ang ginawa ni Ben kaya naman hindi nakakapagtaka na tumatak na ang kaniyang pangalan sa mga manonood at sa tuwing nakikita ang kaniyang mukha sa telebisyon ay alam na kaagad nilang kaaway ito ng bida. Ngunit malayong-malayo ang kaniyang naging imahe sa pelikula kumpara sa totoong buhay.
Maliban nga sa pag-aartista ay naglaan din ito ng panahon para makapaglingkod sa bayan at noong makakita ng oportunidad ay pumasok sa Philippine army para maging reserve command noong taong 1999.
Sa loob ng mahabang training ay ginawa ni King ang lahat para matuto at sa huli nga ay hinirang siyang master sergeant. Pagkatapos naman ng kaniyang graduation ay nagsimula na siyang magtrabaho para sa gobyerno at swerte ring nanalo sa kaniyang pagtakbo bilang councilor ng Cavite.
Bata pa lang ay pangarap na ni King na magkatulong sa ating mga kababayan kaya naman naglakas loob siyang tumakbo at pumasok sa politika. Hindi naman siya nabigo at tuluyang sinuportahan hindi lang ng kaniyang mga fans kundi pati na rin ng mga tao na nakakilala kung sino siya sa likod ng camera.
Dahil nga sa kaniyang kasipagan at magandang hangarin, nakatanggap si King ng award noong 2015 bilang pinaka-mahusay na councilor sa CALABARZON.
Talaga namang nakita ng kaniyang nasasakupan na maganda ang intensyon niya sa pagtakbo kaya naman hanggang ngayon ay nanatili pa rin siya sa pwesto at patuloy na pinamumunuan ang lungsod ng Cavite.
Samantala, sa likod ng mga tagumpay ni King ay ang walang sawang suporta ng kaniyang misis at dalawang anak na babae.
No comments