Drew Arellano, Ibinuko Ang Work From Home Outfit Ng Kaniyang Asawa Na Si Iya Villania
Malaki ang naging pagbabago sa ating araw-araw na buhay simula nang magkaroon ng malawak na p@ndemiya sa loob at labas ng bansa. Halos lahat nga ng kompanya ay naapektuhan at ang ilan ay kinailangan pang magsara o di kaya naman ay magbawas ng empleyado.
Sa kabutihang palad, unti-unti ng nakakabangon ngayon ang ating ekonomiya at muli na ring nagbukas ang mga oportunidad para ang ating kababayan na naghahanap ng trabaho.

Nauuso nga ngayon ang tinatawag na “work from home” at kahit mga kilalang industriya tulad ng news and media ay ganito na rin ang sinusundang sistema. Sa katunayan, karamihan sa kanilang mga reporters ay home-based at nagagawa pa rin ang trabaho kasabay ng pag-aalaga sa kani-kanilang pamilya.
Isa na dito ang asawa ni TV host Drew Arellano na si Iya Villania. Hatid niya ang balita gabi-gabi sa segment ng 24-Oras na Chikka Minute at maliban sa kaniyang report ay inaabangan rin ng viewers ang kaniyang mga OOTD.

Ngunit kamakailan lang ay isang nakaka-aliw na rebelasyon ang ibinahagi ni Drew sa mga netizens nang ipasilip nito ang behind-the-scene outfit ng asawa habang live na nagrereport para sa Chikka Minute. Sa kaniyang Instagram post ay ipinakita niya ang isang larawan kung saan makikitang seryoso si Iya habang nakatutok sa screen.
“What you see.” caption ni Drew sa half-body photo ng kaniyang asawa.
Suot ni Iya ang isang blouse at talaga namang pormal at presentable ang dating nito lalo na at napakaganda ng kaniyang look na kinumpleto ng make-up at accessories. Dahil nga half-body lang naman ang nakikita sa screen ay naging palaisipan sa marami kung ano ang kabuuang outfit ni Mommy Iya.

Sa pangalawang larawan ay ni-reveal na ni Drew ang “what you do not see” ni Iya habang nagrereport. Isa pa lang crop-top ang suot niyang blouse at ka-partner nito ang parang floral white shorts. Kapansin-pansin rin na iisa lang ang suot niyang tsinelas at marahil hindi na niya nahanap ang kapares nito dahil sa pagmamadali.
“My wife is always ahead of the fashio curve.”, pabirong caption ni Drew.

Aliw na aliw nga ang mga netizens sa good vibes na hatid ng mag-asawa at marami ang nakaka-relate sa kanila. Karamihan kasi sa atin ay talaga namang todo ang ginagawang diskarte sa buhay para matugunan ang pangangailangan ng ating pamilya.
At kagaya nga ni Iya hindi na niya alintana ang kabuuang OOTD dahil ang mahalaga ay magawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho hindi lang bilang reporter kundi higit sa lahat ay bilang ina ng tahanan.
No comments