Redirecting you to our exclusive offer…

If you are not redirected automatically, click here.

Thanks for visiting! Your offer will open shortly.

Breaking News

Billy Crawford, Tinalikuran Ang Bisyo Para Sa Pamilya At Mas Nag-Focus Sa Trabaho

Bata pa lang ay namulat na si Billy Crawford sa kinang ng showbiz at sa murang edad ay naranasan niya ang kasikatan sa loob at labas ng bansa. Dahil dito ay maraming nasubukan ang aktor at ang ilan nga sa mga ito ay bagay na kaniyang pinasisisihan.

Source: Billy Crawford Instagram

Malaki ang naging epekto ng mga desisyong ito sa kaniyang sarili pati na rin sa trabaho kaya naman ngayon na nagkaroon na siya ng sariling pamilya ay nangako ang aktor na sisikapain niyang magbagong buhay.

Aminado si Billy na sa umpisa ay hindi ito naging madali ngunit sa tulong at inspirasyon ng kaniyang asawa at anak ay unti-unti niyang natulungan ang sarili para maging “the best daddy” ng kanilang pamilya.

Source: Billy Crawford Instagram

“Ang nagbago sa akin honestly is ‘yung pananaw ko sa buhay. I don’t take as many risks anymore like before, kasi mas mahalaga na ‘yung buhay dahil may pamilya [na] ako ‘yung I want to live a long time for my family.”, pahayag nito sa isang panayam sa kaniya ng media.

Source: Billy Crawford Instagram

Kung noon nga ay mahilig si Billy sa mga adventures, ngayon ay mas tinututukan niya ang kaniyang kalusugan upang masiguro na isa siyang malakas na padre de pamilya. Samantala, bumalik na siya ulit sa trabaho at tinanggap ang mga offer ng isang network tulad nalang ng international game show na The Wall Philippines.

Maliban dito ay unti-unti ring nawala sa sistema ng aktor ang pag-inom at paninig@rilyo na noon ay madalas niyang gawin. Dahil nga dito ay masayang-masaya ang aktres na si Colleen Garcia lalo na at nakikita niya ang magandang epekto ng pagbabagong ito sa kaniyang asawa.

Source: Billy Crawford Instagram

“Hindi na ako umiinom ng alcohol, hindi na ako naninig@rilyo, nawala ‘yung bisyo, nawala yung pagbabarkada, alam mo ‘yun? I focused on what is important and ‘yung pinaka-impotante is meron na akong pamilya.”, dagdag pa ng aktor.

Sa ngayon ay nagagawang ma-balanse ni Billy ang trabaho at quality time sa pamilya at lubos siyang nagpapasalamat dahil kahit matagal siyang nawala sa show business ay marami pa ring tao ang naniniwala at sumusuporta sa kaniyang angking talento.


No comments