Vic Sotto Nagkwento Kung Bakit Hindi Pa Napagbibigyan Ang Gusto Ni Tali Na Magkaroon Ng Kapatid
Ang pagmamahalan nina Vic Sotto at Pauline Luna ay talaga namang nagbigay ng inspirasyon sa marami at sa katunayan, isa ang kanilang pamilya sa sinusubaybayan ngayon ng mga netizens. Marami silang pinagdaanang pagsubok at naging kontrobersyal pa noon ang kanilang relasyon dahil sa malaking agwat ng kanilang edad.
Ganoon pa man, hindi ito naging dahilan para masira ang kanilang pagsasama at sa halip ay mas lalo pa nilang ipinakita sa publiko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
Dahil nga sa busilak na pagmamahalan nina Bossing at Pauline ay nabiyayaan sila ng isang napaka-cute na baby girl na pinangalanan nilang si Tali. Itinuturing nila itong malaking biyaya mula sa Panginoon dahil ilang taon din ang kanilang hinintay bago magdalantao si Pauline.
Sa ngayon ay apat na taong gulang na si Tali at nag-iisang anak ng mag-asawa kaya naman hindi maiwasan na humiling ito na magkaroon ng kapatid. Sa katunayan, madalas daw itong manalangin na gusto niyang magkaroon baby sister o di kaya naman ay baby brother.
“The truth, tuwing nagdadasal sa gabi ‘yan, parating sabi Papa Jesus niya. ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother?”, kwento ni Bossing sa isang mediacon.
Kung si Vic at Pauline lang ang tatanungin ay gustong-gusto rin nila na magkaroon pa ng isang anak ngunit sa ngayon daw ay mayroong pumipigil para magawa nila ang bagay na ito. Ayaw kasing matulog ni Tali mag-isa at lagi daw itong pumapagitna sa kanilang dalawa dahil gusto niya na nakayakap parehas ang kaniyang Mommy at Daddy.
“Kailangan may nakaakap sa kanya, nakaakap sa mommy, kay Daddy niya.Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali.”, dagdag pa ni Bossing.
Talaga namang napaka-sweet na bata ni Tali at kahit na wala siyang sariling kapatid ay hindi naman ito uhaw sa pagmamahal at kalaro dahil marami siyang pinsan na lagi niyang nakakasama. Samantala, hindi naman sumusuko ang mag-asawa sa pananalangin at paggawa ng paraan para magkaroon ng kapatid si Tali at sa katunayan, mayroon din silang iniinom na supplements para makatulong.
“We’re trying, alam mo naman in God’s time… alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing. Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa.”, pabirong sabi ni Vic Sotto.
No comments