Megastar Sharon Cuneta, Pinuri Ng Mga Netizens Dahil Sa Kaniyang Slim Figure!
Dekada na ang nakalipas pero bantog na bantog pa rin hanggang ngayon ang pangalang Sharon Cuneta. Sa katunayan, kahit na hindi na ganoon ka-aktibo sa show business ay madalas pa rin siyang maging laman ng mga balita ngayon sa social media. Sa katunayan, kamakailan lang ay muli siyang pinag-usapan ng mga netizens dahil na rin sa kaniyang nakaka-wow na body figure!

Ang nasabing larawan ay ibinahagi mismo ng dating aktres sa kaniyang Instagram account at kuha ito sa isang event kung saan isa siya sa mga invited guests.
“Thank you to Gabay Guro Grand Gathering 2022 for having me as a guest again this year. It is always an honor and pleasure for me to sing for you, aming mga minamahal na guro!”, ilan lamang sa naging caption ng aktres.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nag-struggle noon si Megastar sa kaniyang body weight at talaga namang gumagawa siya ng paraan para maibalik ang dati niyang katawan. Isa ito sa naging goal ng aktres hindi lang para maging slim ulit kundi para na rin maging healthy ang kaniyang katawan at syempre para sa kaniyang mga fans.
“I want to live a long, healthy life for and with my children and future grandchildren. And for my fans – because I knew I kept failing them whenever I tried to lose weight.”, dagdag pa ni Sharon.

Talaga namang achieve na achieve na ni Shawie ang kaniyang dream figure at mas lalo pang kuminang ang kaniyang ganda sa suot na silver and black gown na gawa ni Cocoy Lizaso, isang Filipino fashion and interior designer na madalas gumawa ng mga gowns ng iba pang celebrities.
Samantala, curios naman ang mga netizens kung ano ba ang sekreto ni Megastar at na-achieve niya ang kaniyang dream weight.

“Aside from exercise you have to stick to certain food with a weight allowance per day, I had to follow.”, kwento niya.
Talaga namang disiplina sa pagkain at ehersisyo ang ilan lang sa mga nakatulong kay Sharon Cuneta para tuluyan niyang makamit ang timbang na noon pa niya inaasam.
No comments