Slater Young At Kryz Uy, Masayang Nag-bonding Sa Paris!

Kagaya ng maraming social media influencers, ang couple na sina Slater Young at Kryz Uy ay talaga namang sinusubaybayan ng mga netizens online. Simula noon na nagliligawan pa lang hanggang sa ikasal at magkaroon ng mga anak ay lubos na ang naging paghanga sa kanila ng publiko. Ito ay dahil na rin sa good vibes na hatid nila sa mga viewers at mga vlogs na talaga namang sulit panoorin.

Maliban dito, nagbibigay din sila ng relationship advices at life hacks lalo na sa mga parents na kagaya nila. Samantala, isa pa sa kinagiliwan ng mga netizens ay ang pagiging open nila sa kanilang mga fans. Sa katunayan, madalas nilang ibahagi sa social media ang ilan sa kanilang everyday life kasama ang dalawa nilang napaka-cute na anak na sina Scottie at Sevi na ngayon pa lang ay libu-libo na rin ang mga fans.

Sa kabilang banda, kagaya ng pangakaraniwang mga magulang, nagkakaroon din ng struggle sina Slater at Kryz sa pag-manage ng kanilang oras lalo na at ngayon ay dalawa na ang kanilang anak na nangangailangan parehas ng kanilang atensyon. Sa kabutihang palad, maganda ang naging setup ng kanilang trabaho at talaga namang flexible ito para sa mga kagaya nila na on-the-go parents.

Kamakailan nga ay nasa Paris ang dalawa para sa project ni Kryz at talaga namang nasulit nila ang pamamasyal abroad habang hindi pa nila kasama ang mga bata. Marami ang kinilig sa kanilang couple shots habang namamasyal sa mga iconic places ng nasabing bansa at syempre hindi magpapahuli dyan ang very fashionable OOTD ni Mommy Kryz.

“We just have to do it. Commemorating our first trip to the city of love together.”, pagbabagi niya sa kaniyang Instagram account.

Napa-wow ang marami sa mga ibinahaging larawan ng dalawa sa social media at talaga namang makikita sa kanilang mga mata kung gaano sila ka-inlove. Isang patunay lang sina Slater at Kryz na kahit mayroon ng mga anak ay pwedeng-pwede pa rin namang mag-enjoy at magkaroon ng quality time ang isang mag-asawa.


No comments