2k Na Puhunan Ng Mag-asawa, Ngayon Ay Kumikita Na Ng Kalahating Milyon Kada Buwan Sa Online Selling!
Lahat tayo ay nangangarap ng magandang buhay para sa ating pamilya at sabi nga nila hindi imposible ang bagay na ito kung sasamahan natin ng sipag at tiyaga. Mahirap lang talaga sa umpisa pero kapag tuloy-tuloy tayo at laging positibo, tiyak na makakamit natin ang tagumpay kagaya nalang ng mag-asawa na usap-usapan ngayon sa social media.

Nag-umpisa sila sa puhunan na dalawang libo at lakas loob na pinasok ang online selling. Noong una ay bumibili lang sina Macy at Mel Lhualhati ng mga damit sa isang tiangge sa Taytay Rizal at dinadagdagan ang presyo nito. Matiyaga na nagmodel si Macy ng mga damit at isa-isa itong pinopost sa social media na agad namang tinangkilik ng kanilang mga kaibigan.
“Habang nagtatrabaho kami sa bangko, tuwing Monday pag nagtia-tiangge kami ni Macy, bumibili kami ng mga damit na nagkakahalaga ng 100 pesos at binebenta naman namin ng 150 o minsan ay doble.”, kwento ni Mel.

Dahil nga sa kanilang pagpupursigi ay nakaipon ang dalawa ng 100,000 mula sa kita nila sa online selling at sahod sa trabaho. Ginamit nila ito para makabili ng makina na pantahi at sila na rin mismo ang gumagawa ng mga damit na ibinebenta nila sa kanilang online shop. Naging maganda ang takbo ng negosyo ngunit dahil sa pand3miya, napilitan silang magbawas ng trabahador.
Humina ang negosyo pero hindi pa rin sumuko si Macy at si Mel at sa halip ay mas lalo pa silang nagtulungan para makaisip ng bagong designs na papatok sa masa. Dahil dito ay unti-unting nakabangon ang kanilang RTW business at talagang nag-boom ang kita nila na umaabot sa 300k hanggang 500k kada buwan!

Sa ngayon nga ay nakapagpatayo na sila ng kanilang dream house, nabili ang mga gusto nilang sasakyan at nakapagpagawa na rin ng sariling patahian kung saan nakakatulong pa sila sa ating mga kababayan na naghahanap ng mapagkakakitaan.
Post Comment
No comments