Chavit Singson, Tinaguriang “Real-Life Crazy Rich Asian” Dahil Sa Kaniyang Revenue Na Umaabot Sa Php120 Miyon Kada Buwan!
Marami sa atin ang naghahangad ng maginhawang buhay at isa nga ito sa mga dahilan kung bakit ganoon nalang ang pagsusumikap na ginagawa natin sa araw-araw. Isa sa motibasyon ng ilan ang mga kilalang indibidwal sa ating lipunan na pinatuyan na kayang-kaya naman talagang kumita ng higit pa sa isang milyon kada buwan!
Isa na nga dito ang dating politician at negosyante na si Chavit Singson. Noon pa man ay maugong na ang kaniyang pangalan hindi lang sa mga kontrobersya na kaniyang kinaharap kundi lalo na sa mga yaman nito na maraming tao na rin ang natulungan.

Sa katunayan, marami sa mga netizens ang nagsasabing pwedeng-pwedeng mapasama si Chavit sa pelikulang “Crazy Rich Asians” kung saan tampok ang buhay ng mga mayayamang negosyante.
Unang naglingkod sa bayan si Chavit nang maging gobernador sa Ilocos Sur at ipinagpatuloy ang pagsisilbi sa publiko matapos maging Deputy National Security Adviser. Ngunit sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang trabaho ay hindi pa rin nawawala sa kaniya ang pagiging negosyante na namana niya sa kaniyang ama na noon ay isang engineer.

Bata pa lang ay nakikita na niya kung papaano pamahalaan ng kaniyang ama ang kanilang construction company at sa murang edad ay natuto na rin kung papaano magpatakbo ng negosyo. Halos lahat nga ng pwedeng pagkakitaan ay pinasok ni Chavit at siya mismo ay hands-on sa business.
Lumago ng lumago ang mga pinagkakakitaan niya hanggang sa maging chairman siya ng LCS Group of companies na mayroong hawak na mahigit sa isang daang negosyo!
Ilan na dito ang electrical plant sa Vigan, airline, Vigan Banko International, isang banko sa Puerto Rico na ngayon ay mayroon na ring branch sa Los Angeles at Mexico. Hindi talaga mapigilan si Chavit sa pagtatrabaho at pagpapalawak ng kaniyang negosyo at ngayon nga ay pataas ng pataas ang halaga ng kaniyang kinikita kada buwan!

“My net revenues amount to about Php120 million in a month.”, paglilinaw nito sa isang interview.
Dahil sa laki ng kaniyang kinikita ay hindi nakakapagtaka na padami na rin ng padami ang mga assets na nakukuha niya tulad nalang ng mga bahay, sasakyan at sariling eroplano.
Talaga namang nakaka-inspire ang buhay ni Chavit Singson. Kung kaya niya kaya rin natin basta hindi tayo susuko at patuloy lang na magsumikap sa buhay!
Post Comment
No comments